Nais ko, Poong Jesus, maging ganap Kaluluwa ko'y tahanang masikap, Iwalat ang lahat ng pampahirap; Paputiin akong parang busilak.
REFRAIN
Poong Jesus, ako'y iligtas At pagmanahin ng buhay at galak!
Magmula sa mga langit, tunghayan Sa ganap na hain ako'y tulungan, Ang aking sarili'y inilalagak Paputiin akong parang busilak.
Poong Jesus, aking indinaraing At ako'y nag-aantay pagpalain, Tawag ko'y pakinggan at bigyang lingap; Paputiin akong parang busilak.
Sa pananampalataya'y nakita Dugo Mong bumukal dahil sa sala, Kaya't bagong puso ang aking hangad; Paputiin akong parang busilak.